Monday, November 22, 2010

“Voyage of Balangay” pinili ang Puerto Princesa bilang port of entry

Ni Richard L. Bantayan
The Palawan Times



SINALUBONG ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang makasaysayang pag-biyahe ng 42-man team ng “Voyage of Balangay,” na pinamumunuan ng kanilang team leader na si dating DOTC Undersecretary Art Valdez.
Ito rin ang parehong grupo na umakyat sa tuktok ng Mt. Everest sa Tibet. At matapos nga ang matagumpay na pag-akyat sa pinakamataas na bundok sa mundo ay umiikot naman sila sa buong Southeast Asia gamit ang reconstructed na balangay, isang pre-colonial boat na nahukay ng archeologists sa Butuan noong 1976 carbondated 32 A.D. pa.
Naging emosyonal ang grupo na kinabibilangan din nina Leo Oracion, Pastour Emata, atbp. nang marining nilang kantahin ang Lupang Hinirang sa unang pagkakataon mula nang umalis sila sa Pilipinas at simulan ang ekspedisyon noong Setyembre 2009.
Bunsod nito, hinamon ni Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn ang grupo na bagtasin ang pamosong Puerto Princesa Subterranean River National Park o ang Underground River, na agad namang tinanggap ng grupo.

No comments:

Post a Comment