Monday, November 22, 2010

Iskolar na Medicine students? Why not!

Clarinda I. Catimpo
The Palawan Times

APRUBADO na ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang pagsasali ng mga piling deserving students na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Medicine sa scholarship program ng lalawigan.
Sa ginanap na Special Session ng Sanggunian noong November 15, pinaboran ng mayoriya ng mga bokal ang isinulong na resolusyon ni Board Member Gil P. Acosta na isama ang kursong Medicine sa iniaalok na scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan. Ito ay matapos ng masusing pag-aaral ng Committee on Education na pinamunuan ni Board Member Derrick Pablico.
“Kung dati problemado ang lalawigan sa mga abogado at nag-aangkat pa ng serbisyo mula sa Kalakhang Maynila, we are hoping na dumami rin ang duktor na legitimate Palaweños should this resolution be implemented soon,” ani Acosta.
Ngunit para kay Governor Abraham Kahlil B. Mitra, pipiliin pa ng mabuti kung sinu-sino ang karapat-dapat na susuportahan sa pag-aaral ng Medicine at hindi basta-basta ang pagtatanggap ng aplikante.
“Medical scholarships are costly but even before the [Provincial Board] started discussing it, we have already asked the PHO to scout for existing medical students which the province can support,” pahayag ni Mitra sa panayam ng Palawan Times.
Aniya, hindi porke aprubado na ng Sanggunian ay maisasakatuparan kaagad. Marami pa umanong proseso ang pagdadaanan upang mahanapan ng sapat na pondo para masustina ang pag-aaral ng isang BS Medicine student hanggang ito’y maging ganap na manggagamot.
Isang welcome development naman ito para kay Dr. Peter Hew Curameng, ng Department of Health – Palawan extension office.
“That would be very good,” maikling pahayag ni Curameng sa panayam ng Palawan Times.

No comments:

Post a Comment