Wednesday, December 8, 2010

City Meet athletes, tinaguriang ‘munting mga bayani’

TINAWAG NI Puerto Princesa City Sports Director Tony Reyes na mga “mumunting mga bayani” ang mga atleta sa City Meet 2010 sa kanyang mensahe sa Opening Program Ceremonies.Sinabi rin ni Reyes na ang City Meet ay hindi tagisan ng mga koponan kundi isang proseso o paraan upang makapili ang city government ng mga deserving athletes  na bubuo ng Puerto Princesa delegation sa darating na MIMAROPARAA Meet 2011 na gaganapin naman sa Calapan City, Oriental Mindoro sa darating na taon, at pati na rin sa makikipagpaligsahan sa iba pang regional, national at international sports competition.Sinusugan naman ni Department of Education Puerto Princesa City Superintendent Bong Arzaga ang sinabi ni Reyes at sinabi na ang “sports ay isang bagay na nagbibigay ng mga karangalan sa ating lungsod. “Ipinaabot po din natin ang ating pasasalamat sa ating punong lungsod, Mayor Edward Hagedorn, kasama sina Vice Mayor Cecil Bayron at mga konsehales sa kanilang walang sawang pagtulong at pagsuporta sa ating mga atleta,” ani Arzaga.Nagkaisa naman sina Reyes at Leaf Miraflores na mapapanatili ng Puerto Princesa ang kampeonato sa Elementary Division sa darating na MIMAROPARAA Meet 2011 at makukuha na ang kampeonato sa Secondary Level dahil sa palalakasin pa nila ang pagtutulungan at pagsusuportahan ng City Sports Office at City DepEd ng Puerto Princesa.
Ni Noli Hitosis
The Palawan Times

No comments:

Post a Comment