Wednesday, December 8, 2010
Bawal ang nakasimangot
BUNSOD NG mga reklamong natatanggap ng mga konsehal ay hiniling ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa Human Resources and Management Office (HRMO) na maglagay ng smile and sad box sa bawat opisina.Ayon kay Konsehal Miguel Cuaderno IV may mga reklamong nakakarating sa kanila kaugnay sa asal ng ilang mga kawani ng pamahalaang lungsod.Ang mga face box ay ilalagay sa bawat departamento kung saan maaring lagyan ng mga residente ng komentong may kaugnayan sa uri ng paglilingkod ng nasabing opisina. Ito rin ay magsisilbing repleka ng bawat departamento sa uri at pamamaraan ng kanilang serbisyo sa sambayan.“May mga reklamo kasi na nakakarating sa amin. Minsan magbabayad na nga lang sisimangutan pa,” pahayag ni Cuaderno.Naniniwala ang konsehal na sa pamamagitan nito ay malalaman kung kontento ang mga mamamayang dumudulog sa bawat opisina at kung mayroong pagkukulang ay maiayos ito at mas lalong mapabuti ang pagseserbisyo ng pamahalaan. Maaring mapatawan ng kaukulang aksyon sinumang empleyadong mairereklamo hinggil sa kanilang pagseserbisyo sa taong-bayan. (Cheryl A. Galili) The Palawan Times
Labels:
The Palawan Times
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment